Aabot sa 1,007 benepisyaryo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Valenzuela ang nagsipagtapos na sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Pinangunahan ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian katuwang sina 4Ps NCR Division Chief Leah Bautista ang ceremonial graduation ng mga benepisyaryo bilang pagkilala sa mga pamilyang natulungan ng ahensya.
Bahagi ng aktibidad ang pagbibigay ng Certificates of Entitlement sa mga benepisyaryo bilang simbolo ng patuloy na intervention ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela para mapanatili ang mataas na antas ng pamumuhay ng mga benepisyaryo ng 4Ps sa nasabing lungsod.
Nakatanggap din ang mga ito ng tig-₱5,000 bawat isa (₱5,035,000) mula sa pamahalaan bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap na maging “self-sufficient.” | ulat ni Merry Ann Bastasa