1,000 sako ng ₱29 per kilo ng bigas, ibebenta ng NIA sa Biyernes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling aarangkada ang bentahan ng abot-kayang bigas sa National Irrigation Administration (NIA) sa darating na Biyernes, October 4.

Bahagi pa rin ito ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice na bunga ng Rice Contract Farming Program ng ahensya.

Sa abiso ng NIA, 1,000 bags ng ₱29 per kilo ng bigas ang nakatakdang ibenta sa mga beneopisyaryong senior citizens, solo parents, PWDs, at 4Ps.

Magsisimula ang bentahan ng alas-8 ng umaga sa NIA Central Office Covered Court, EDSA, Diliman, Quezon City.

Kailangan lamang dalhin ang ID, para makabili ng isang bag ng Bagong Bayaning Magsasaka Rice.

Ang ibang mga mamamayan ay maaari namang bumili ng sariwang prutas, gulay, karne, at masasarap na delicacies mula sa iba’t ibang rehiyon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us