Sumampa na sa 109,513 Family Food Packs (FFPs) ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development sa tuloy-tuloy na distribusyon ng relief packs sa mga naapektuhan ng bagyong Kristine.
Kasama rito ang mga nakaposisyon na sa DSWD Field Offices na na-release na sa mga lokal na pamahalaan (LGUs) at mga ongoing deliveries.
Kabilang sa naabutan ng food packs ang mga rehiyon ng Bicol, MIMAROPA, CALABARZON, Central Luzon, Cagayan Valley, Ilocos, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga, SOCCSKSARGEN, at Cordillera Administrative Region (CAR),
Pinakamalaki ang nailaan sa Bicol Region na labis na pinadapa ng bagyo. Aabot sa higit 68,000 ang ipinamahagi ritong food packs na bukod pa sa hot meals na inihahanda rin ng DSWD.
Una na ring sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na
nasa 100,000 kahon pa ng family food packs (FFPs) ang dadalhin sa Bicol Region.
Bukod dito, handa rin ang ahensya na maglaan ng financial aid bilang suporta sa iba pang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo. | ulat ni Merry Ann Bastasa