Pinag-iingat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko sa pagkain ng mga shellfish na makukuha sa 11 baybayin na positibo sa red tide toxin.
Ayon sa BFAR, kabilang sa mga apektado nito ang Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; coastal waters ng Daram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay, Cambatutay Bay sa Samar; Matarinao Bay sa Eastern Samar; Carigara Bay sa Leyte; karagatan ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay Province; Maqueda Bay sa Samar at Lianga Bay sa Surigao del Sur.
Bukod dito, naidagdag na rin ang coastal waters ng Biliran Island sa apektado ng red tide.
Dahil sa nadiskubreng Paralytic Shellfish Poison (PSP) ay hindi pa rin ligtas kainin ang mga shellfish na mahahango sa mga naturang katubigan.
Sa kabila nito, ligtas naman kumain ng mga isda, pusit, hipon at alimangong huli o nagmula sa nasabing karagatan, basta mahugasan at maluluto itong mabuti. | ulat ni Merry Ann Bastasa