Dinakip ng pinagsanib na pwersa ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at Bureau of Immigration (BI) ang 11 Chinese nationals sa Camarines Norte kaninang umaga.
Sa ulat ng PAOOC, ang mga Chinese nationals ay sangkot umano sa illegal construction ng mineral processing plant sa Barangay Tugos sa bayan ng Paracale.
Isinagawa ang joint intelligence operation sa bisa ng “mission order” ng immigration bureau laban sa mga dayuhan na sinasabing sangkot sa ilegal na pagmimina.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng awtoridad ang mga naarestong Chinese at sumasailalim sa imbestigasyon. | ulat ni Rey Ferrer