Ipinagmalaki ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang pagtatapos sa kolehiyo ng 11 Persons Deprived of Liberty.
Natapos ng mga ito ang kanilang degree sa Bachelor of Science in Entrepreneurship.
Kasabay nito ay nakapagtapos naman ng Senior High School ang 57 iba pang PDLs.
Gagawin ang nasabing graduation mamayang alas-dos ng hapon sa Education and Training Section ng New Bilibid Prison Medium Security Camp Covered Court sa Muntinlupa City. Suot ng mga ito ang kanilang mga graduation toga.
Ayon kay DG Catapang, patunay aniya ito na ang pagkakakulong ay hindi sagabal sa isang indibidwal na magsumikap at makamit ang academic success.
Nagpasalamat naman si Catapang sa University of Perpetual Help System DALTA, na pinamumunuan ng Chairperson of the Board at CEO nito na si Dr. Antonio Laperal Tamayo para sa suporta nito na makapagbigay ng valuable educational opportunities at maging abot-kamay ang pag aaral kahit ano pa ang katayuan sa buhay. | ulat ni Lorenz Tanjoco