110,000 na mga automated counting machines, natapos na ng Miru System Company Limited 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinalita ng Commission on Elections (COMELEC) na natapos na ng Miru System Company Limited ang paggawa sa 110,000 na ng automated counting machine na gagamitin sa 2025 Midterm Elections. 

Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, nasa Port of Busan na sa South Korea ang naturang mga makina at ito ay handa nang ibyahe patungo dito sa Pilipinas. 

Mas maaga daw itong natapos ng Miru System Company Limited kaysa sa itinakdang panahon. 

Pagdating dito sa Pilipinas, dadalhin muna ito sa warehouse ng COMELEC sa Laguna at kalaunan ay isasalang sa testing kaharap ang mga Election watchdog pati na ang hanay ng media.  | ulat ni Mike Rogas

📸 COMELEC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us