Binigyang pugay ngayon ng Marcos Jr. administration ang mga manggagawa mula sa creatives industries sa paglulunsad ng dalawang araw na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.
Nasa 23 ahensya ng pamahalaan ang nakikibahagi ngayon sa espesyal BPSF na temang may Paglinang sa Industriya ng Paglikha.
Maliban sa 100 programa at serbisyo aabot sa P75 million na tulong ang ipagkakaloob ng DSWD sa ilalim ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at mamamahagi rin ng nasa 75,000 na kilo ng bigas sa dalawang araw na serbisyo fair sa 15,000 benepisyaryo.
Nagpasalamat naman si MMDA Chair Don Artes sa tulong ng Pang. Ferdinand R. Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Martin Romualdez sa tulong ng creatives industry na lubhang pinadapa ng pandemya at nagsisimula pa lang bumangon.
Binigyaan diin din ni Cavite Rep. Lani Mercado Revilla na kailangan ngayon ng industriya ng pelikulang Pilipino at telebisyon upang muling mamayagpag ang industriya ng paglikha sa gitna na rin ng mga pagbabagong dala ng teknolohiya.| ulat ni Kathleen Forbes