AFP, pinarangalan si Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa kanyang pagbisita kay AFP Chief of Staff Gen. Brawner

Binigyan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng arrival honors si Vice Admiral Toribio Adaci Jr., Flag Officer in Command ng Philippine Navy, sa kanyang pagbisita kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ngayong araw. Ang pagbisitang ito ay bahagi ng exit call ni Vice Admiral Adaci bago ang kanyang nalalapit na… Continue reading AFP, pinarangalan si Vice Admiral Toribio Adaci Jr. sa kanyang pagbisita kay AFP Chief of Staff Gen. Brawner

Kabuuang P1.3 billion, na ibinawas sa panukalang budget ng OVP para sa taong 2025 pinal na; naturang budget cut, inilipat sa DOH at DSWD

Isinapinal na ng small committee na binuo ng Kamara ang pagbawas sa panukalang pondo ng Office of the Vice President para sa 2025. Ito ang kinumpirma ni Appropriations committee chair Elizaldy Co kasunod ng inaprubahang committee at individual amendments ng small committee para sa P6.352 trillion proposed national budget para sa susunod na taon. Ang… Continue reading Kabuuang P1.3 billion, na ibinawas sa panukalang budget ng OVP para sa taong 2025 pinal na; naturang budget cut, inilipat sa DOH at DSWD

Mga reporma sa DepEd, ipinagmalaki ni Education Sec. Angara sa European Chamber of Commerce of the Philippines

Ipinagmalaki ni Education Secretary Sonny Angara ang mga repormang naipatupad nya sa Department Education (DepEd). Sa kanyang talumpati sa European Chamber of Commerce of the Philippines ngayong araw, sinabi ni Secretary Angara na sinisikap nilang sundin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ibigay ang “basic services” sa mga mag-aaral. Sa ngayon, mas… Continue reading Mga reporma sa DepEd, ipinagmalaki ni Education Sec. Angara sa European Chamber of Commerce of the Philippines

DOF, pinangunahan ang project implementation-capacity building workshop upang i-streamline ang People’s Survival Fund

Pinangunahan ng Department of Finance (DOF) ang project implementation-capacity building workshop na naglalayong i-streamline ang People’s Survival Fund (PSF) process para sa local government unit (LGU) beneficiaries. Target din nitong ifast-track ang aksyon ng bansa tungo sa climate and disaster risk resilience. Tinalakay sa naturang workshop ang pagtugon sa mga hamon na kinahaharap ng mga… Continue reading DOF, pinangunahan ang project implementation-capacity building workshop upang i-streamline ang People’s Survival Fund

Bangko Sentral ng Pilipinas, muling nagbawas ng monetary policy rate

Kasunod ng monetary policy meeting ng Monetary Board. Epektibo bukas, ipatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtapyas ng 25 basis point to 6 percent na Target Reverse Repurchase Rate (RRP) Binawasan din ng Monetary Board ang interest rate sa overnight deposit ng 5.5 percent habang 6.5 percent naman sa lending facilities. Sa press… Continue reading Bangko Sentral ng Pilipinas, muling nagbawas ng monetary policy rate

Dating Pangulong Duterte, ipapatawag sa ikakasang pagdinig ng Senado ukol sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon

Photo courtesy of Senate of the Philippines

Handa si Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Dhairperson Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na maimbestigahan ng kanyang komite ang war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ay may kaugnayan sa pahayag ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na plano niyang maghain ng resolusyon para makapagkasa ng Senate inquiry tungkol… Continue reading Dating Pangulong Duterte, ipapatawag sa ikakasang pagdinig ng Senado ukol sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon

Deputy Speaker Duke Frasco, ikinalugod ang pagbasura ng Ombudsman sa inihaing kaso laban sa kaniya ukol sa pamamahagi ng ambulansya sa Danao City

Nagpasalamat si House Deputy Speaker at Cebu 5th District Representative Duke Frasco sa Office of the Ombudsman matapos ibasura sa pangalawang pagkakataon ang kasong inihain laban sa kaniya at kay Tourism Secretary Christina Frasco na noon ay mayor ng Liloan. Ang na-dismiss na kaso ay nag-ugat sa reklamong inihain ng mga lokal na opisyal ng… Continue reading Deputy Speaker Duke Frasco, ikinalugod ang pagbasura ng Ombudsman sa inihaing kaso laban sa kaniya ukol sa pamamahagi ng ambulansya sa Danao City

Int’l Community, hanga sa mga isinusulong ni Pangulong Marcos sa Asia-Pacific Ministerial Conference Disaster Risk Reduction

Photo courtesy of DENR FB page

Umani ng papuri mula sa United Nations at iba pang delegado ng Asia-Pacific Ministerial Conference Disaster Risk Reduction, ang mga isinusulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kaugnay sa pagtugon sa Climate Change at Disaster Risk Reduction. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Environment Secretary Antonia Yulo-Loyzaga na matapos ang naging keynote speech ng… Continue reading Int’l Community, hanga sa mga isinusulong ni Pangulong Marcos sa Asia-Pacific Ministerial Conference Disaster Risk Reduction

Sales ng automotive vehicles, tumaas ng 2.4 percent sa buwan ng Setyembre— Automotive & Truck Manufacturers

Umakyat ng 2.4 percent ang automotive sales sa buwan ng Setyembre. Base sa datos ng Chamber of Automotive Manufacturers of the Philippines, Inc. (CAMPI) at Truck Manufacturers Association (TMA) nasa 39,542 units ang naibenta nitong nagdaan buwan. Ito’y mas mataas kumpara sa 38,628 units nuong parehas na buwan ng 2023. Ang passenger car sales ay… Continue reading Sales ng automotive vehicles, tumaas ng 2.4 percent sa buwan ng Setyembre— Automotive & Truck Manufacturers

Quad Comm, hihingin ang tulong ng AMLC at COA para matukoy ang money trail sa sinasabing reward system ng war on drugs

Plano ng Quad Committee na pormal na hingin ang tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang sundan ang money trail na may kaugnayan sa sinasabing reward system sa war on drugs ng nakaraang administrasyon Naniniwala si Quad Comm co-chair Bienvenido “Benny” Abante Jr. na malaki ang maitutulong ng AMLC para maisiwalat ang naturang mga transaksyon,… Continue reading Quad Comm, hihingin ang tulong ng AMLC at COA para matukoy ang money trail sa sinasabing reward system ng war on drugs