2 milyong volunteers ng Red Cross, naka-standby na para sa pagresponde sa mga lugar na maaapektuhan ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naka-antabay na ang nasa dalawang milyong volunteers ng Philippine Red Cross (PRC) sa buong bansa upang rumesponde sa mga lugar na labis na maaapektuhan ng bagyong Kristine.

Maliban dito, sinabi ni PRC Chairperson at dating Senador Richard Gordon na handa na ring i-deploy ang mga kagamitan para sa Disaster Response sa may 102 nilang chapters.

Kabilang na rito ay ang kanilang rescue vehicles, food trucks, water tankers, at ambulansya na gagamitin para sa pagtugon.

Nagtayo na rin ng welfare desk ang Red Cross sa Negros Occidental gayundin ng first aid stations at health desk na ilalagay naman sa mga susunod na araw.

Kasunod nito, hinikayat ni Gordon ang publiko na ihanda ang kanilang “Go Bag” na naglalaman ng mga damit, gamot, hygiene items, flashlight, maliit na radyo, whistle, at makakain na tatagal hanggang tatlong araw, at iba pa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us