2 phreatic eruption, naitala sa Bulkang Taal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy pa rin sa abnormal na aktibidad ang Bulkang Taal sa Batangas.

Sa 24-hour monitoring ng PHIVOLCS, umabot sa dalawang phreatic eruption o pagbuga ng usok o steam ang naitala mula sa main crater ng Bulkang Taal.

Ayon sa PHIVOLCS, tumagal ng tatlo hanggang 13 minuto ang naturang phreatic eruption na bunsod pa rin ito ng nagpapatuloy na upwelling ng mainit na volcanic gas sa Taal Volcano.

Aabot naman sa 1,256 na toneladang sulfur dioxide ang inilabas ng Bulkang Taal, habang nagkaroon din ng mahinang pagsingaw na umabot sa 600 metro ang taas.

Sa ngayon ay nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Taal Volcano, at patuloy ang babala ng ahensya sa mga posibleng panganib sa bulkan. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us