2 Pilipino na kabilang sa unang batch ng Caregiver Pilot Program sa South Korea, umatras sa trabaho

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na dalawa sa unang batch ng Filipino caregivers na ipinadala sa South Korea ang hindi nagpatuloy sa kanilang trabaho.

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang DMW sa Korean Ministry of Employment and Labor upang maresolba ang mga isyu kaugnay sa pilot program para sa Filipino caregivers sa South Korea.

Inaasahan na raw nila ang mga ganitong hamon sa programang ito, at naniniwala si Cacdac na mareresolba ito dahil sa umiiral na bilateral labor relationship ng Pilipinas at South Korea.

Binigyang-diin din ni Cacdac, na ang nangyari sa dalawang Filipino caregivers ay “isolated cases” lamang at hindi ito makakaapekto sa kabuuan ng programa.

Matatandaang sa ilalim ng Caregiver Pilot Program nagpadala ang DMW ng 100 Filipino caregivers para sa unang batch noong Agosto 6, 2024, sa pamamagitan ng government-to-government arrangement na may aktibong kontrata sa loob ng anim na buwan. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us