Bilang bahagi ng pinalawak na programang Kadiwa ng Pangulo, karagdagang 20 Kadiwa sites pa ang bubuksan ng Department of Agriculture (DA) simula ngayong araw.
Ayon sa DA, kabilang sa mga lugar na may bagong lokasyon ng Kadiwa outlet ang Caloocan, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Pasig, Navotas, Quezon City, at Calamba sa Laguna:
- Ocean Fish – Brgy. 8, Caloocan
- Brgy 28 Zone 3 Caloocan City – Site 1
- Brgy 28 Zone 3 Caloocan City – Site 2
- BFAR – Longos, Malabon City
- Kalt Alles – NFPC-PFDA, NBBN, Navotas
- 18 Tuazon, Brgy. Potrero, Malabon
- Kalt Alles – Potrero, Malabon
- Sauyo, Quezon City
- Brgy. Canlubang, Calamba,, Laguna Compound
- Brgy. Daang Bakal, Mandaluyong
- Brgy Hulo Mandaluyong City
- Brgy. Addition Hills-
- BFCT Bagsakan, No. 1 Marcos Hiway, Marikina City
- Brgy. Tanong, Marikina
- Fortune Barangay Hall, Barangay Fortune, Marikina City
- Concepcion Uno Barangay Hall, Concepcion Uno, Marikina City
- Lot 12 Blk 4 R Thaddeus St. Marietta Romeo Village Brgy. Sta. Lucia Pasig City
- No 4 Geronimo, Philand Drive, Brgy Pasong Tamo, QC
- Zamora St. Cor A. Bonifacio, Brgy Sta. Lucia, Quezon City
- Alley 4, Bulacan St., Brgy. Payatas B, Quezon City
Layon nitong mapalawak pa ang access ng publiko sa sariwa at abot-kayang mga pagkain kabilang na ang ₱43 kada kilong bigas sa ilalim ng Rice-for-All program at ₱29 kada kilong bigas para sa vulnerable sector.
Magiging bukas ang naturang mga Kadiwa stores mula Lunes hanggang Linggo na pangangasiwaan ng Pantao Fisherfolks Consumers Cooperative at SRT Alcala Multi-purpose Cooperative.
Kasunod naman nito, plano ng DA na magtayo ng 10-15 bagong outlets bawat buwan hanggang sa Disyembre.
Itutuloy ito hanggang sa magkaroon ng isang tindahan ng Kadiwa sa bawat isa sa 1,500 munisipalidad sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa