‘Charlie’ protocol o pinakamataas na antas ng paghahanda, itinaas sa 7 rehiyon sa bansa dahil sa bagyong Kristine

Itinaas ng Office of Civil Defense (OCD) ang “Charlie” protocol o ang pinakamataas na paghahanda sa pitong rehiyon sa bansa. Ito’y bilang kagyat na pagtugon sa potensyal na epektong dulot ng Tropical Depression Kristine. Kabilang sa mga inilagay ng OCD sa “Charlie” protocol ay ang mga rehiyon ng Cordillera, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON (Cavite,… Continue reading ‘Charlie’ protocol o pinakamataas na antas ng paghahanda, itinaas sa 7 rehiyon sa bansa dahil sa bagyong Kristine

House Panel Chair, dinipensahan ang alaala ng namayapang dating Pangulong Marcos Sr. sa gitna ng mga pahayag ni VP Sara Duterte

Dinipensahan ni House Committee on Public Order and Safety Chair Dan Fernandez ang alaala at legasiya ng namayapang dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa gitna ng kontrobersyal na pahayag ni Vice President Sara Duterte. Giit ni Fernandez, kahit na napatalsik ang dating Pangulo, hindi makakaila na malaki pa rin ang naiambag at nagawa niya… Continue reading House Panel Chair, dinipensahan ang alaala ng namayapang dating Pangulong Marcos Sr. sa gitna ng mga pahayag ni VP Sara Duterte

Regional directors ng DSWD, pinulong bilang paghahanda sa banta ng bagyong Kristine

Kasado na ang response effort ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lalawigang maapektuhan ng bagyong Kristine. Tiniyak ito sa pulong ng mga opisyal ng DSWD Disaster Response Command Center (DRCC) kasama ang mga regional director ng kagawaran upang talakayin ang hakbang para matugunan ang epekto ng bagyo. Sa direktiba ni DSWD… Continue reading Regional directors ng DSWD, pinulong bilang paghahanda sa banta ng bagyong Kristine

Bagyong Kristine, lumakas pa at isa nang tropical storm

Lumakas at naging isa nang tropical storm ang bagyong Kristine habang papalapit sa kalupaan. As of 4am, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 390 km silangan ng Virac, Catanduanes. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65km/h malapit sa gitna at pagbugsong 80 km/h. Dahil dito, patuloy ding nadaragdagan ang mga lugar… Continue reading Bagyong Kristine, lumakas pa at isa nang tropical storm

Pilipinas sa ilang mga bansa: Tapusin ang New Collective Quantified Goal on Climate Finance upang suportahan ang climate action fund ng developing countries

Nanawagan ang Pilipinas para sa agarang aksyon na tapusin ang New Collective Quantified Goal on Climate Finance (NCQG) bago ang 2025 upang suportahan ang  developing countries sa pagtugon sa epekto ng climate change. Ang NCQG ay isang mahalagang elemento ng Paris Agreement  na idinisenyo upang lumikha ng financing framework upang bigyang suporta ang mga umuunlad… Continue reading Pilipinas sa ilang mga bansa: Tapusin ang New Collective Quantified Goal on Climate Finance upang suportahan ang climate action fund ng developing countries

Insentibo para sa pribadong sektor na tutulong sa pagpapaunlad ng pampublikong edukasyon, isinusulong ni Sen. Gatchalian

Ipinapanukala ni Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian na magbigay ng insentibo sa pribadong sektor na tutulong sa pagpapaunlad ng pampublikong edukasyon sa bansa. Sa inihaing Senate Bill 2731 o Adopt-a-School Bill ni Gatchalian, aamyendahan ang Republic Act 8525 para paigtingin ang ugnayan sa pagitan ng mga paaralan at mga industriya sa… Continue reading Insentibo para sa pribadong sektor na tutulong sa pagpapaunlad ng pampublikong edukasyon, isinusulong ni Sen. Gatchalian

House panel chair, iminungkahi ang Joint Congessional Inquiry, ukol sa war on drugs

Iminungkahi ngayon ni House Committee on Dangerous Drugs Chair Robert Ace Barbers na magsagawa na lang ng isang joint Congressional Inquiry ang Kamara at Senado hinggil sa isyu ng war on drugs. Ayon kay Barbers kung mayroon nang ginagawang imbestigasyon ang Kamara at may hiwalay din sa Senado, bakit hindi na lang aniya magsama ang… Continue reading House panel chair, iminungkahi ang Joint Congessional Inquiry, ukol sa war on drugs

Finance Chief, binigyang pagkilala ang trabaho ng Bureau of Customs na pangalagaan ang borders ng bansa sa ginanap na Inter-Agency Intelligence Summit sa Southern Luzon

Binigyang-diin ni Finance Secretary Ralph Recto ang kahalagahan ng “intelligence” para mapangalagaan ang “borders” ng Pilipinas. Ginawa ni Recto ang pahayag sa ginanap na Inter-Agency  Intelligence Summit sa Southern Luzon. Ayon sa kalihim mula sa pinansyal na perspektibo ang “intelligence” ay mas cost-effective na depensa upang mailigtas ang buhay at harapin ang mga banta  sa… Continue reading Finance Chief, binigyang pagkilala ang trabaho ng Bureau of Customs na pangalagaan ang borders ng bansa sa ginanap na Inter-Agency Intelligence Summit sa Southern Luzon