Nakakakasa na ang Department of Tourism (DOT) at Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa pagtatatag ng 24/7 tourist courts, na naglalayong pabilisin ang pagresolba ng mga insidenteng may kaugnay sa mga turista.
Sa isang pagpupulong nina DOT Secretary Christina Garcia Frasco at bagong hirang na DILG Secretary Jonvic Remulla, nagkasundo ang dalawang kalihim na dapat ipatupad ang tourist courts sa mga pangunahing destinasyon na may mataas na bilang ng mga dumadayong turista.
Kasama sa pagpapatupad ng nasabing tourist court ang pakikipagtulungan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Justice (DOJ) upang masigurong mabilis ang aksyon sa mga kasong sangkot ng mga turista.
Dagdag pa rito ang pagsasanay ng DOT sa mga barangay tanod at barangay intelligence network upang makatulong bilang police multipliers.| ulat ni EJ Lazaro