Tinatayang aabot sa 2,500 job vacancies ang naghihintay ngayong araw, Oktubre 19, sa mga Manileño job seeker sa pagpapatuloy ng “Kalinga sa Maynila PESO Job Fair”.
Ayon sa Manila PESO, ang mga bakanteng posisyon ay bukas para sa lahat ng Manileñong high school graduates, college level, at vocational graduates.
Ilan sa mga trabahong naghihintay sa mga job seeker ay mula sa admin at clerical works. May opening din para sa mga utility, IT staff, driver, messenger, cashier, bagger, at marami pang iba.
Magsuot ng casual attire, magdala ng maraming kopya ng resumé, sariling ballpen, at sundin ang public health protocols kapag pumunta sa job fair.
May pagkakataon ding ma-hire on the spot ang mga aplikante ayon sa PESO.
Bukas ang nasabing job fair mula mamayang 2:00 hanggang 5:00 ng hapon na gaganapin sa Brgy. 282 Numancia Residences, Urbiztondo St., sa San Nicolas, Maynila. | ulat ni EJ Lazaro