Mga testimonya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senate hearing kahapon, maaaring isang hakbang na tungo sa hustisiya, ayon kay Senate President Chiz Escudero

Para kay Senate President Chiz Escudero, posibleng isang hakbang na para mapanagot si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pinatupad nito ng war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon ang naging mga pahayag nito pagdinig ng Senate Blue Ribbon Subcommittee kahapon. Pinunto ni Escudero na ang mga statement na binitiwan ni Duterte sa Senate hearing… Continue reading Mga testimonya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senate hearing kahapon, maaaring isang hakbang na tungo sa hustisiya, ayon kay Senate President Chiz Escudero

Mga naging testimoniya ni dating Pang. Duterte sa Senado, hindi dapat ibigay sa ICC— QuadComm

Tutol ang dalawa sa tagapangulo ng Quad Comm na gamitin ang mga naging pahayag at testimoniya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Senado sa imbestigasyon ng International Criminal Court. Ayon kay Rep. Dan Fernandez, umpisa pa lang ay hindi na siya pabor na gamitin ng ICC, kahit ang mga dokumento at testimoniya na lumabas sa… Continue reading Mga naging testimoniya ni dating Pang. Duterte sa Senado, hindi dapat ibigay sa ICC— QuadComm

Crime index sa kasagsagan ng drug war ng Duterte administration, mas mataas kumpara sa kasalukuyang panahon— SP Chiz Escudero

Mas mataas ang crime index noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kumpara sa ngayong administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon kay Senate President Chiz Escudero, matapos ang naging pahayag ng mga resource person kahapon sa pagdinig ng Blue Ribbon Subcommittee na bumaba ang kriminalidad sa Pilipinas noong pinapatupad ang drug war ng… Continue reading Crime index sa kasagsagan ng drug war ng Duterte administration, mas mataas kumpara sa kasalukuyang panahon— SP Chiz Escudero

Korte Suprema, naglabas ng TRO laban sa paglilipat ng bilyon-bilyong pisong pondo ng PhilHealth sa National Treasury

Pansamantalang pinigil ng Korte Suprema ang paglilipat ng bilyon-bilyong pisong pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa National Treasury. Sa isinagawang en banc session ng mga mahistrado ngayong Martes, Oktubre 29,  naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema laban sa naturang plano ng pamahalaan. Nagpasya rin ang mga mahistrado na pag-isahin na… Continue reading Korte Suprema, naglabas ng TRO laban sa paglilipat ng bilyon-bilyong pisong pondo ng PhilHealth sa National Treasury

Mga bus at terminal na nakitaan ng pagkukulang sa ginawang inspeksyon nina Sen. Raffy Tulfo, bibigyan ng isang linggo na tugunan ang kanilang violations

Iminungkahi ni Senator Raffy Tulfo sa Land Transportation Office (LTO) at sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), na bigyan ng isang linggo ang lahat ng mga bus at terminal na itama ang mga violation na nakita nila sa pag iinspeksyon sa bus terminals kahapon. Ayon kay Tulfo, kung hindi agad maitatama ito ng… Continue reading Mga bus at terminal na nakitaan ng pagkukulang sa ginawang inspeksyon nina Sen. Raffy Tulfo, bibigyan ng isang linggo na tugunan ang kanilang violations

QC LGU, nagbigay ng gabay para sa mga magtutungo sa Bagbag at Novaliches Cemetery

Naglabas na ng gabay ang Quezon City Government para sa mga magtutungo sa Bagbag at Novaliches Public Cemetery ngayong Undas. Layon ng QC LGU na maging mapayapa at maayos ang pagpunta ng pamilya sa puntod ng kani-kanilang mahal sa buhay. Sa lahat ng dadalaw sa dalawang sementeryo, magbubukas ito ng alas-6 ng umaga hanggang alas-10… Continue reading QC LGU, nagbigay ng gabay para sa mga magtutungo sa Bagbag at Novaliches Cemetery

Sen. Raffy Tulfo, nagsagawa ng surprise inspection sa mga bus terminal

Photo courtesy of Senate of the Philippines Facebook page

Nagsagawa ng surprise inspection si Senate Committee on Public Services Chairperson Senador Raffy Tulfo sa mga bus terminal kahapon sa kamaynilaan, bilang paghahanda sa dagsa ng mga motorista ngayong undas. Kasama ni Tulfo na nag inspeksyon ang mga opisyal ng Land Transportation Office (LTO), Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Philippine Drug Enforcement… Continue reading Sen. Raffy Tulfo, nagsagawa ng surprise inspection sa mga bus terminal

Pasig LGU, naglabas ng abiso para sa mga bibisita sa Pasig City Cemetery Barracks sa Undas 2024

Naglabas ng abiso ang Pamahalaang Lungsod ng Pasig kaugnay sa mga alituntunin para sa mga bibisita sa Pasig City Cemetery Barracks sa Undas 2024. Batay sa abiso, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok ng mga construction materials sa naturang sementeryo simula ngayong araw. Habang ang pagkukumpuni, pagpipintura, at paglilinis ng mga museleo, lote, at nitso ay… Continue reading Pasig LGU, naglabas ng abiso para sa mga bibisita sa Pasig City Cemetery Barracks sa Undas 2024

Crime rate sa bansa patuloy ang pagbaba, ayon sa PNP

Iginiit ng Philippine National Police (PNP) na maayos nilang napananatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa. Mula July 1, 2022 hanggang July 28, 2024, bumaba ng 61.87% ang total index crimes, batay sa datos ng PNP. Kumpara ito sa parehong panahon noong 2016 hanggang 2018. Kabilang sa mga krimen na bumaba ay ang crimes against… Continue reading Crime rate sa bansa patuloy ang pagbaba, ayon sa PNP

SP Chiz Escudero, pabor sa mungkahing rebyuhin ang Bicol River Basin Dev. Project

Sang ayon si Senate President Chiz Escudero sa suhestiyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na rebyuhin ang Bicol River Basin Development Project para matugunan ang pagbaha sa Region 5 (Bicol region). Pinaliwanag ni Escudero, na partikular na naapektuhan ng proyektong ito ang Camarines Sur at ilang bahagi ng Albay. Ipinunto ng senate president, na… Continue reading SP Chiz Escudero, pabor sa mungkahing rebyuhin ang Bicol River Basin Dev. Project