Inilagay na sa “blacklist” ng Department of Agriculture at Bureau of Plant Industry ang 3 Agricultural Food Importers habang 5 iba pa ang nanganganib na bawian ng import licenses dahil sa illegal trade activities.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, Jr., ang mga food importers na ito ay ang LVM Grains Enterprises, na nag aangkat ng milled rice, cashew nuts, at kape nang walang Sanitary at Phytosanitary Import Clearances.
Ang 2 iba pa ay ang Kysse Lishh Consumer Goods Trading at Golden Rays Consumer Goods Trading,na nag aangkat ng mga sibuyas at dalandan na wala ding SPIC Permit at Import Licenses.
Samantala, sinuspendi na rin ng DA ang lisensya ng 5 pang importer dahil sa paglabag sa anti-competitive trade practices; maling deklarasyon at iligal na pag-aangkat.
Kamakailan, nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang isang batas na nag-uuri sa smuggling, hoarding at cartel operations may kinalaman sa agricultural products bilang economic sabotage. | ulat ni Rey Ferrer
📷 DA