Sisimulan na sa Nobyembre 1 ang pagbabawal sa panghuhuli ng isdang mackerel at sardines sa mga karagatan ng Northeast ng Palawan.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., ipapatupad din ang three-month closed fishing season ng isdang mackerel sa Visayan Seas at Zamboanga Peninsula, simula sa Nobyembre 15.
Sinabi ng kalihim, na ang tatlong lugar ang spawning grounds para sa mga small pelagic fishes tulad ng sardines at mackerel.
Dahil sa panahon ng closed season ay mababa ang suplay ng naturang mga isda, pinayagan naman ng DA ang importasyon ng 30,000 metric tons ng pelagic fish species para sa huling quarter ng 2024.
Ito ay para punan ang demand sa naturang mga isda sa closed fishing season. | ulat ni Rey Ferrer