Arestado ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang 38 Chinese nationals sa Brgy. Saavedra, Moalboal, Cebu.
Nakumpiska sa mga suspek ang 30 computers, 212 cellphones, 4 laptops, at iba pang kagamitan na may kaugnayan sa cybercrime.
Bukod dito, anim na sasakyan din ang nasamsam ng mga awtoridad.
Ayon kay Acting CIDG Director PBGEN Nicolas D. Torre III, patuloy ang kanilang pagtugis sa mga kriminal, anuman ang kanilang nasyonalidad, upang masiguro ang kaligtasan ng publiko.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.
Kasalukuyan silang nakakulong sa Moalboal Municipal Police Station. | ulat ni Diane Lear