Tumaas ang porsyento ng mga Pilipinong itinuturing ang sarili na Pro-Marcos, o pumapanig sa administrasyong Marcos.
Batay sa 3rd Quarter Tugon ng Masa Survey, umakyat sa 38% ang nagsabing sila ay Pro-Marcos mula sa 36% noong nakaraang quarter.
Samantala, bahagya namang bumaba sa 15% mula sa 16% ang mga nagsabing sila ay Pro-Duterte.
Bumaba rin sa 26% ang nagsabing sila ay ‘independent’ o hindi kinikilala ang kanilang sarili bilang pro-Marcos, pro-Duterte, o oposisyon.
Habang lumabas din sa survey na may 7% ng respondents ang pabor sa oposisyon.
Isinagawa ang naturang survey mula Agosto 28-Setyembre 2 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondente sa bansa. | ulat ni Merry Ann Bastasa