Handa na para sa take-out ngayong taon ang may 400 condominium-type units sa People’s Ville housing project sa Davao City.
Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), ginawa ang proyekto sa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay DHSUD Undersecretary Garry De Guzman, nag-inspeksyon na ang mga opisyal ng ahensya sa project site sa Calinan District noong Biyernes.
Binubuo ng tatlong yugto ng development sa loob ng 16-ektaryang lugar, na idinisenyo upang makagawa ng 7,200 mga yunit ng pabahay para sa mga taga-Davao.
Sa ngayon, 16 na gusali ang kasalukuyang ginagawa, apat sa mga ito ay nasa huling yugto na ng pagkumpleto. | ulat ni Rey Ferrer