50 pampublikong eskwelahan sa QC, lalagyan ng solar panels

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tina-target na ng Quezon City government na palawakin sa mga pampublikong paaralan ang paggamit ng renewable energy.

Sa bisa ng isang Memorandum of Agreement na nilagdaan nina Mayor Joy Belmonte, Schools Division Office Superintendent Carleen Sedilla, City Administrator Mike Alimurung, at City Engineer Atty. Dale Perral, planong i-solarize na rin ang mga pampublikong eskwelahan sa lungsod.

Sa ilalim nito, nasa 50 pampublikong paaralan ang target malagyan ng solar panels ng Quezon City government.

Ayon sa LGU, sa tulong ng proyekto ay mababawasan ang gastos ng mga paaralan sa kuryente at mas maisusulong ang paggamit ng renewable energy.

Mababawasan din ang kanilang carbon emission na nagpapalala sa climate change.

Sa ngayon, solarized na ang tatlong gusali sa Quezon City Hall at dalawang public school. On-going na rin ang installation ng solar panels sa tatlong city-owned hospitals. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us