Ipinamahagi ng Laguna Provincial Government ang 60% ng sahod ng limang daang mag-aaral na benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students o SPES, matapos silang magtrabaho sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.
Ayon sa Laguna Provincial Information Office, ang mga mag-aaral ay mula sa ikatlong at ikaapat na distrito ng Laguna at nagtrabaho ng dalawampung araw.
Pinangunahan nina Gobernador Ramil Hernandez at Congresswoman Ruth Mariano Hernandez ang distribusyon ng bahagi ng sweldo kahapon.
Ang SPES ay isang programang magkatuwang na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan at DOLE upang tulungan ang mga mahihirap ngunit mahuhusay na mag-aaral. | ulat ni Mara Grezula | RP1 Lucena