Kabuuang P8.44 billion na dagdag pondo ang ni-realign ng small committee ng Kamara para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng panukalang 2025 National Budget.
Gagamitin ito para maitaas ang subsistence allowance ng military personnel, mula P150 kada araw sa P250 o katumbas ng 67% na pagtaas.
Isa ito sa mga inisyatibang isinulong ni Speaker Martin Romualdez bilang tugon sa panawagan ng ating mga military.
Pinaglaanan din ng karagdagang P3.2 billion na pondo para ang airport expansion ng Pag-asa Island pati ang konstruksyon ng shelter port sa Lawak, Palawan.
Ayon kay House Committee on Appropriations Committee Chair Elizaldy Co, ang lahat ng ito ay hakbang para suportahan ang pag-depensa ng bansa sa West Philippine Sea mula sa patuloy na panghihimasok ng China,
“Investing in our military not only supports our soldiers but also strengthens our national security and sovereignty. This also underscores our commitment to protect our territorial integrity,” sabi ni Co. | ulat ni Kathleen Forbes