7 bagong tatag na mga korte, welcome sa Korte Suprema

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinasalamatan ng Supreme Court (SC) ang pagsasabatas para sa dagdag na pitong mga korte sa Metro Manila at Quezon Province. 

Ayon sa SC, welcome sa kanila ang dagdag na korte upang mapabilis ang pagresolba ng mga kaso. 

Sa ilalim ng Republic Act No. 12025, itatayo ang tatlong Regional Trial Court sa Muntinlupa City habang sa ilalim ng Republic Act No. 12026 ay itatayo ang apat na Regional Trial Court sa Calauag Quezon Province. 

Kapwa naging ganap na batas ang pagtatayo ng mga dagdag na korte noong Oktubre 9 nang kasalukuyang taon, matapos itong pirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.  | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us