Tinatayang umabot sa 374 ang kabuuang bilang ng senatorial aspirants at partylist groups ang naghain para sa kanilang kandidatura para sa Halalan 2025 sa nagdaang walong araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa COMELEC na isinagawa sa Manila Hotel Tent City.
Sa loob ng walong araw na paghahain, 184 sa kabuuang bilang ang mga naghain ng COC para sa pagka-senador. Kabilang dito ang mga kilalang pangalan at mga beterano na sa politika na kumasa para sa hatol ng bayan sa 2025 habang may ilang kakandidato rin na mga artista o hindi naman kaya ay mga TV at social media personalities.
Samantala, 184 party-list groups ang kabuuang bilang ng naghain ng Certificate of Nomination, Certificate of Acceptance (CON-CAN) sa nakalipas na araw na kinabibilangan ng mga prominente at kasalukuyang mga nakaupo sa Kamara gayundin ang mga bagong pangalan mula sa iba’t ibang sektor na kinabibilangan ng mga OFW, kababaihan, solo parents, kabataan, at mga senior citizen.
Sa isang panayam, sinabi ni COMELEC Chair George Erwin Garcia na masaya ito sa naging kinalabasan ng walong araw ng filing para sa midterm elections.
Habang nauna nang sinabi ng poll body chief na matapos nitong filing ay ang kanilang pagsusuri at beripikasyon ng mga COC na bahagi pa rin ng kanilang paghahanda sa darating na eleksyon sa Mayo 2025. | ulat ni EJ Lazaro
📸 COMELEC