Inilikas kagabi ng City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang 901 pamilya mula sa Isla Puting Bato.
Ito ay dahil hinampas ng malalakas na hangin at alon ang kanilang nga tahanan dulot ng bagyong Kristine.
Dinala sila sa Delpan Evacuation Center para mahpalipas ng magdamag habang naghihintay ng paghupa ng panahon.
Agad naman namahagi ang City Social Welfare and Development Office ng relief goods.
Kanina binisita naman sila ni Mayor Honey Lacuna Pangan upang magbigay ng tulong. | ulat ni Michael Rogas