Naghain ng petisyon sa Commission on Election ang abogado ni Laguna Cong. Dan Fernandez para ideklarang nuisance candidate ang dalawang Fernandez na kapwa naghain ng kandidatura bilang Gobernador.
Ang naturang petisyon ay inihain ni Atty. Ariel Radovan sa Comelec Law Department ngayong umaga.
Sabi ni Fernandez, dapat ideklarang panggulo sa Halalan sina Jenny Vhee Comprendio Fernandez at Neizelino Tejedor Fernandez.
Si Jenny Vhee Fernandez ay nais ilagay sa balota ang pangalang Dana Fernandez Bukod pa sa magkaiba ang address na nasa kanyang Certificate of Nomination and Acceptance at residential address.
Si Neizelino Fernandez naman ay nais ipalagay sa balota ang pangalang Da Boy Fernandez.
Sabi ni Atty. Radovan, halatang pampagulo lamang ang dalawang Fernandez at malinaw na sinasabotahe lamang si Cong. Dan Fernandez bilang kandidato na Gobernador ng Laguna. | ulat ni Michael Rogas