Naniniwala si Quezon City Rep. Arjo Atayde na kung mabibigyan lang ng suporta ng pamahalaan ang creatives industry ay malaki at marami pa itong maiaambag sa bansa.
Sa panayam kay Atayde sa Bagong Pilipinas Serbisyo Fair na partikular na tinulungan ang mga manggagawa sa telebisyon, pelikula at radyo, kaniyang sinabi na bilang malapit sa kaniyang puso ang industriya ay malaki ang kaniyang pasasalamat na maabutan ito ng tulong ng pamahalaan.
Sa pagtulong aniya sa kaniyang mga nakasama sa industriya ay tiyak na mapapalawak ang sektor ng paglikha na makatutulong din aniya sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
“…The creative industry has much more to offer…we so much people to help right now, This is the televeision, radio and film industry where I came from and is very close to my heart. Tulad nga ng sinabi namin, maipapalawak ang ating industrya, if only supported by the government and of course it will be big help sa ating ekonomiya…ang ambag ng aming industriya ay malaki sa ekonomiya.” sabi ni Atayde.
Maging ang actor-director na si Rez Cortez, nagpasalamat sa pagbababa ng serbisyo ng gobyerno sa mga miyembro ng industriya ng paglika lalong lalo na aniya sa mga indigent workers.
Aniya, sa tulong na ito para sa mga maliliit na manggagawa ng creatives industry ay umaasa siyang magyayabong na muli ang pelikulang Pilipino dahil wala na aniyang ibang magbibigay kwento tungkol sa mga Pilipino ngunit mismong maging ang mga Pilipino rin.
Sabi pa niya na pag inalaagan ang kalagayan ng bawat manggagawa sa audiovisual industry ay mas lalabas ang pagiging creative ng mga Pilipino at makakagawa ng mga maganda at dekalida na mga pelikula. | ulat ni Kathleen Forbes