Personal na nagtungo si Armef Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Kristine sa Bicol.
Pinangunahan ni General Brawner ang aerial survey sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng bagyo partikular na sa Naga City, Milaor, at Bula.
Layon nitong masuri ang lawak ng pinsalang dulot ng bagyo.
Kasabay nito, pinangunahan din ni General Brawner ang pamamahagi ng mga relief goods sa mga residente ng Barangay Duran sa Balatan, Camarines Sur.
Tiniyak naman ng AFP na patuloy silang naka-monitor sa sitwasyon at nakatuon sa pagbibigay ng kinakailangang tulong upang makabangon ang mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Kristine.| ulat ni Diane Lear