Agad nagkasa ng rescue efforts ang mga tauhan ng Quezon City Urban Search and Rescue team sa Brgy. Roxas matapos abutin ng mataas na baha dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyong Kristine.
Nasa 28 pamilya o katumbas 112 individwal ang inilikas na karamihan ay na-trap sa kanilang mga tahanan kaninang madaling araw.
Dinala ang mga ito sa temporary shelter at a pinakamalapit na multi-purpose gymnasium.
Bago pa ito, sinimulan na rin kahapon ng Quezon City local government ang preemptive evacuation sa mga lugar sa lungsod na posibleng hagupitin ng bagyong Kristine.
Inuna sa pagpapalikas ang mga residente sa 11 barangay sa lungsod na madalas binabaha. Kabilang dito ang mga barangay sa:
District 1
Brgy. Masambong
Brgy. Del Monte
Brgy. Sto. Domingo
Brgy. Talayan
Brgy. Damayan
Brgy. Mariblo
District 2
Brgy. Bagong Silangan
District 4
Brgy. Roxas
Brgy. Tatalon
Brgy. Damayang Lagi
District 6
Brgy. Apolonio Samson
Bukod naman sa mga ito, inilikas din maging ang mga street dweller upang masiguro ang kanilang kaligtasan ngayong nananalasa ang bagyong Kristine.
Dinala ang mga na-rescue sa mga processing center ng Social Services Development Department (SSDD) habang ay iba ay mananatili muna sa mga barangay para mabigyan ng karampatang intervention at tulong. | ulat ni Merry Ann Bastasa