Makakaasa ang mga Pilipino na handang bumaba sa mga komunidad ang manpower at asset National Government sa oras na maaari nang daanan o bumaba na ang tubig baha sa mga lugar na apektado na ng bagyong Kristine.
“We are at the mercy of the weather as we always are. So, we will just have to wait for the true effects of this Typhoon Kristine.” -Pangulong Marcos.
Pahayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng apela para sa rubber boats, at iba pang assistance, para sa mga lugar na lubog na sa baha.
Sa panayam sa pangulo sa NDRRMC, sinabi nito na halos kalahati ng CamSur ay nakalubog na.
“We just got that report from CamSur that half of the province is under water because they live in the basin within Albay and CamSur. Kaya’t iyon ang talagang tinamaan. Tinatamaan lagi ng baha. So, as soon as we can, we will go in.” -Pangulong Marcos.
Gayunpaman, ang mga tauhan ng DPWH, on ground na, at hinihintay na lamang ng national government ang go signal mula sa regional offices ng tanggapan.
“Alam naman ng DPWH ang gagawin, naka-monitor sila. Nandoon ang mga tao nila, may regional offices para magsabi when they come in. So, that’s what we are waiting for now.” -Pangulong Marcos.
Pagsisiguro ng pangulo, hanggang sa Mindanao, ita-tap ng national government ang mga available asset at manpower, upang matulungan ang mga Pilipinong pinaka-apektado ng Bagyong Kristine.
“As soon as we can get in. As soon as makapasok kami, we will be doing that. And we are now beginning to marshal our assets, like for example, rubber boats. Hanggang Mindanao kukunin na muna namin at dadalhin namin dito sa area ng pangangailangan.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan