Air assets ng pamahalaan at foreign aircrafts, naka-standby na para sa relief operation sa gitna ng Super Typhoon Leon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na naka-standby na ang kanilang air assets para sa paghahatid ng tulong sa mga lugar na apektado ng Super Typhoon Leon, lalo na sa Northern Luzon.

Sa Special Report Leon PH ng Presidential Communications Office (PCO), sinabi ni AFP Spokesperson Col. Francel Padilla na kaagad ide-deploy ang mga air asset sa oras na pahintulutan na ng panahon.

Aniya, gagamitin nila ito para sa paghatid ng relief goods at iba pang suplay sa mga apektadong lugar.

Sabi ng opisyal, naka-standby na rin para sa mga gagawing operasyon ang ipinadalang aircraft ng mga kabalikat na bansa ng Pilipinas, tulad ng Indonesia, Brunei, Malaysia, at Singapore.

Kabilang na dito ang C130 mula sa Singapore, EC725 helicopter ng Malaysia, C295 ng Brunei, at dalawa pang aircraft mula sa Indonesia.

“Ito po, on top ito sa mga multilateral engagements that we have. So, sa ngayon po, may mga foreign aircrafts that are here in country,” -Padilla. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us