Alegasyon na reward system sa drug war ng nakaraang admin, dapat masusing imbestigahan ng gobyerno

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iginiit ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na mahalagang maimbestigahang maigi ang alegasyon ni dating PCSO General Manager at retired Colonel Royina Garma tungkol sa ipinatupad na war on drugs sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Pimentel, masyadong seryoso ang alegasyon ni Garma na nagkaroon ng reward system o binabayaran ang mga pulis sa bawat napapatay nilang drug suspect.

Kaya naman, dapat aniyang masusing maimbestigahan ng mga kinauukulang ahensya ng gobyerno ang ganitong impormasyon.

Samantala, pagdating naman sa naging pahayag ng drug lord na si Kerwin Espinosa na si dating PNP chief at ngayo’y Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang nag utos na idawit sina dating Sen. Leila de Lima sa illegal drug trade… sinabi ni Pimentel na dapat mag ingat sa ganitong nagiging magkasalungat ang sinasabi ng mga taong sangkot.

Una nang sinabi ni Senador Christopher ‘Bong’ Go na handa siyang maghain ng resolusyon para makapagkasa ng Senate inquiry tungkol sa drug war ng Duterte administration. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us