Alert Level Alpha, nakataas sa ilang lugar na posibleng maapektuhan ng bagyong Kristine

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinaas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Alert Level Alpha sa ilang lalawigan sa bansa na posibleng maapektuhan ng bagyong Kristine.

Batay sa pinakahuling ulat ng DILG – Central Office Disaster Information Coordinating Center (CODIX), posibleng makaranas ng lakas ng hanging hanggang 55km/h at moderate to heavy rainfall ang mga lalawigan ng:

Abra
Albay
Apayao
Aurora
Bataan
Batanes
Benguet
Bulacan
Cagayan
Camarines Norte
Camarines Sur
Catanduanes
Cavite
Eastern Samar
Ifugao
Ilocos Norte
Ilocos Sur
Isabela
Kalinga
La Union
Laguna
Metro Manila
Mountain Province
Northern Samar
Nueva Ecija
Nueva Vizcaya
Pampanga
Pangasinan
Quezon
Quirino
Rizal
Samar
Sorsogon
Tarlac
Zambales

Sa kanya ring FB page, pinaalalahanan na ni DILG Secretary Jonvic Remulla ang bawat LGU na maghanda sa bagyong Kristine lalo na ang mga inaasahanh masasapol ng bagyo.

Ayon pa sa kalihim, posibleng maramdaman simula sa gabi ng October 23 ang matinding epekto ng bagyo sa Metro Manila, Cagayan Valey, Central Luzon, at Calabarzon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us