Antas ng tubig sa Ilog Marikina, ibinaba na sa unang alarma

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ibinaba na ng Marikina City Rescue 161 sa unang alarma ang antas ng alerto sa Ilog Marikina.

Ito’y makaraang bumaba na sa 15.8 meters ang lebel ng tubig sa ilog dakong alas-5 ng umaga.

Bago iyan, umabot sa Ikalawang Alarma ang alerto sa ilog matapos sumampa sa 16 meters ang lebel ng tubig dito.

Magdamag ang naranasang ulan sa lungsod na dala ng bagyong Kristine habang tumatawid ito sa hilagang Luzon.

Dahil sa pagtaas ng tubig sa ilog, hudyat naman ito ng paglikas ng mga residenteng nakatira sa mabababang lugar.

Patuloy namang binabantayan ng LGU ang sitwasyon sa nasabing ilog. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us