Desidido ang House Quad Committee na maisabatas ngayong 19th Congress ang dalawang unang panukalang batas na kanilang inihain kasunod ng mga pag dinig na kanilang ginagawa.
Ayon kay Quad Comm lead Chair Robert Ace Barbers, hangga’t maaari nais nilang maisabatas ang House Bill 10986 o Anti-Extrajudicial Killings Act at Anti-Offshore Gaming Operations o House Bill 10987.
Umaasa din ang mambabatas na maituring itong priority legislation.
Handa rin aniya sila makipag ugnayan sa mga kasamahang mambabatas sa Senado para sa mabilis nitong pag-usad.
Gayonman, kung talagang hindi umabot ay ire-refile nila ito sa 20th Congress. | ulat ni Kathleen Forbes