Umakyat na sa higit 7, 300 na high-value drug target ang na-aresto ng pamahalaan mula sa mga anti-illegal drug operation na isinagawa ng Marcos Administration.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director Derrick Carreon na mula ito sa kabuuang 114, 892 na nahuling drug personalities.
“From the start of the administration of President Ferdinand Romualdez Marcos Jr., which is July 1 of 2022, and based on data ending September 30, 2024, ang kabuuan ng ating mga nasamsam po ay nasa halaga ng 49.82 billion pesos-worth of illegal drugs.” —Carreon.
Ang pigurang ito ay mula sa Hulyo, 2022 nang unang maupo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pwesto, hanggang September, 2024.
“We would like to think that there is a steady increase in the total volume and value of drugs confiscated. But as regards to the barangay drug clearing program effort, definitely, malaki na ang improvement natin because as of today, we only have a total of 6,292 barangays that are regarded as drug affected.” —Carreon.
Kaugnay nito, una na ring sinabi ng opisyal na bumaba na sa 6, 292 na lamang ang drug-affected barangay sa bansa, at pumalo na sa 29, 211 ang bilang ng drug-cleared barangay sa Pilipinas.
“So this represents a very good number compared to the remaining, I mean, to the total number of barangays nationwide; and the total drug cleared barangays is 29, 211.” —Carreon.
Nangangahulugan ito ayon sa opisyal, na nagtatagumpay ang mga ipinatutupad na hakbang ng Marcos Administration sa anti illegal drug operation ng gobyerno.
“Ibig sabihin po nito, iyong sinimulan po nating pigura back then na napakaraming drug-affected barangays ay tuluy-tuloy pa rin po ang pagbaba. So, this is a good indicator, it’s a good yardstick to determine the success of the national anti-drug campaign.” —Carreon.| ulat ni Racquel Bayan