Anti-poverty programs ng Marcos Jr. admin, malaki ang naitulong sa pagpapababa ng self-rated poverty

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA research kung saan naitala ang malaking pagbaba sa self-rated poverty at gutom sa ikatlong quarter ng 2024.

Aniya, patotoo ito na hindi nasasayang ang pagsisikap ng administrasyon na maiahon ang mga Pilipino para matamasa ang Bagong Pilipinas campaign.

Ipinapakita rin aniya nito, na matagumpay ang ipinapatupad na programa ng pamahalaan para mapababa ang kahirapan sa bansa.

Batay sa survey na isinagawa mula Agosto 28 hanggang Setyembre 2, nagkaroon ng limang porsyentong pagbaba sa self-rated poverty kung saan nasa 1.4 milyong pamilyang Pilipino ang sinasabing hindi na sila mahirap.

Mula naman sa 16% na self-rated hunger ay bumaba naman ito sa 11% o katumbas ng 1.3 milyong pamilyang Pilipino ang hindi na nakakaranas ng gutom.

“Despite the global challenges brought about by conflicts and supply chain disruptions, our administration continues to prioritize the welfare of the people, especially the marginalized. Nakikita na natin ang resulta ng mga programa ng Pangulong Marcos, at ito ay nagbibigay ng pag-asa sa mas maraming pamilyang Pilipino,” saad ng House Speaker.

Kinilala ni Speaker Romualdez ang mga targeted support program ng administrasyong Marcos gaya ng food assistance at social programs, para mapagbuti ang kalagayan ng pamilyang Pilipino at tiyakin na walang Pilipino ang maiiwan.

“President Marcos has been consistent in his vision of building a resilient economy, one that is capable of withstanding the pressures of international disruptions. Through the administration’s interventions, we are seeing the positive impact on the lives of ordinary Filipinos,” dagdag niya.

Kaya naman patuloy aniyang susuportahan ng Kongreso ang mga pagsisikap ng administrasyon ng Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng pagpapasa ng mga panukalang magsusulong ng pagpapaunlad ng ekonomiya at dagdag social protection sa ating mga kababayan.

Hinimok din niya ang pagtutulungan ng pribadong sektor, pamahalaan at civil society para magtuloy-tuloy ang paglago ng ekonomiya at maramdaman ng mga Pilipino ang epekto nito.

“Tuloy-tuloy ang suporta ng Kongreso sa mga polisiya at programa na makakatulong sa ating mga kababayan. We are committed to ensuring that the Marcos administration’s vision of a more equitable and prosperous Philippines becomes a reality. We have started to see the positive changes, but this is only the beginning. With sustained efforts, we can further reduce poverty and provide more opportunities for our people to thrive.” Sabi ni Speaker Romualdez | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us