Dumating sa Pilipinas ang apat na Pilipinong tripulante na sakay ng M/V Minoan Courage na inatake ng missile ng grupong Houthi habang dumadaan sa Red Sea.
Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), lumapag sa NAIA Terminal 3 sa Pasay City ang apat na seafarer lulan ng Etihad Airways Flight 424.
Ito na ang ikalawang batch sa 21 mga seafarer na nakatakdang iuwi sa bansa matapos atakihin ng grupong Houthi ang greek bulker na kanilang sinasakyan noong October 1.
Nabatid na pito sa kanilang mga kasamahan ang nauna nang nakauwi noong October 9. Habang ang natitira pang 10 seafarers ay inaasahang makakauwi na rin sa mga susunod na araw.
Samantala, inayos na rin ng concerned manning agencies ang hotel accommodations ng mga nakauwing seafarers habang naghihintay sila ng kanilang psychiatric evaluations.
Tiniyak naman ng DMW at OWWA na makakatanggap sila ng tulong mula sa pamahalaan.| ulat ni Diane Lear