Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Atty. Voltaire Agas bilang bagong Officer-in-Charge (OIC) ng Social Security System (SSS).
Si Santos ay ang Executive Vice President for the Branch Operations Sector ng ahensya.
Sa isang memorandum na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na itinalaga si Agas bilang OIC sa state-run pension fund para masiguro ang tuloy-tuloy at epektibong serbisyo ng SSS sa mga miyembro, pensionado, at kanilang mga benepisyaryo.
Pinalitan nito si Robert Joseph De Claro na naunang itinalaga ng Social Security Commission (SSC), bilang OIC.
Kilala si Agas sa kanyang mahabang karanasan sa SSS na nagsimula noong 2012 bilang Chief Legal Counsel. | ulat ni Merry Ann Bastasa