‘Bagong Pilipinas,’ unti-unti nang nararamdaman ng mga Pilipino — Navotas solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagsisimula nang maramdaman ng mga Pilipino ang pagbabagong dala ng Bagong Pilipinas ayon kay Navotas Representative Toby Tiangco.

Kasunod ito ng resulta ng July SWS survey kung saan 39 percent ng mga Pilipino ang nagsabi na bumuti ang kanilang kalagayan sa buhay kumpara sa nakalipas na 12 buwan.

Ani Tiangco, repleksyon ito ng epektibong pamamahala ng administrasyong Marcos Jr., partikular sa pagpapababa ng inflation, pagpapalakas ng food security, pagpapabuti ng edukasyon, panghihikayat ng mga mamumuhunan at pagpapalawak ng social welfare programs.

“Kaya hindi rin nakakagulat na nararamdaman ng mga kababayan natin na bumubuti ang kanilang buhay… President Bongbong Marcos’ vision of a Bagong Pilipinas is anchored on transformation and driven by principled, accountable and dependable government. This is streamlined across government programs which have exponentially expanded assistance to Filipinos, ushered in economic recovery, and pushed for policy reforms,” sabi ni Tiangco.

Gayunman, aminado si Tiangco na marami pa ang kailangan gawin para mapanatili ang magandang momentum na ito.

Hindi aniya dapat sayangin ang magandang umpisa, at sa halip magsilbi itong hamon upang lalo pang palakihin ang numero ng mga Pilipino na magsasabi na mas bumuti ang buhay nila. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us