Bagong pinuno ng Office of Transportation Cooperatives, pormal nang nanungkulan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nanungkulan bilang bagong chairperson ng Office of Transportation Cooperatives (OTC) sa katauhan ni Reymundo de Guzman Jr.

Kahapon, nanumpa si De Guzman sa harap ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa tanggapan nito sa San Juan City.

Pinalitan ni Chair De Guzman si Jesus Ferdinand Ortega na una nang iniakyat bilang Undersecretary for Road Transport and Infrastructure.

Ang OTC ang siyang nagpapatupad ng mga panuntunan sa mga pampublikong sasakyan gayundin ang namamahala sa regulasyon ng mga kooperatiba sa sektor ng transportasyon.

Una rito, gumanap ng mahalagang papel ang OTC nang ganap nang ilunsad ng Pamahalaan ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us