Bagyong Kristine, lumakas pa at isa nang tropical storm

Facebook
Twitter
LinkedIn

Lumakas at naging isa nang tropical storm ang bagyong Kristine habang papalapit sa kalupaan.

As of 4am, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 390 km silangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65km/h malapit sa gitna at pagbugsong 80 km/h.

Dahil dito, patuloy ding nadaragdagan ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal no. 1:

Luzon
Eastern at central portions ng mainland Cagayan (Piat, Santo Nino, Camalaniugan, Tuao, Lal-Lo, Enrile, Gonzaga, Alcala, Amulung, Santa Teresita, Baggao, Buguey, Solana, Rizal, Santa Ana, Tuguegarao City, Gattaran, Peñablanca, Iguig, Lasam, Aparri, Allacapan), Isabela, Quirino, southern portion ng Nueva Vizcaya (Alfonso Castañeda), Aurora, eastern portion ng Rizal (Tanay, Pililla, Jala-Jala), eastern portion ng Laguna (Majayjay, Magdalena, Pila, Santa Cruz, Pagsanjan, Luisiana, Cavinti, Lumban, Kalayaan, Paete, Pakil, Pangil, Siniloan, Famy, Santa Maria, Mabitac, Nagcarlan, Liliw), northern at eastern portions ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres, General Nakar, Pitogo, San Francisco, Calauag, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Lucena City, Lucban, City of Tayabas) kabilang ang Polillo Islands, Marinduque, Romblon, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, Sorsogon, at Masbate kabilang ang Ticao Island at Burias Island

Visayas
Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte

Mindanao
Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group

Kaugnay nito, sa track forecast ng PAGASA, posibleng mag-landfall na ang bagyo sa Isabela bukas ng gabi at lumabas ng Philippine Area of Responsibility sa Biyernes. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us