Posibleng tumama na sa kalupaan o mag-landfall mamayang gabi ang bagyong Kristine.
Batay sa 8am weather forecast ng PAGASA, kung hindi magbabago ang track ng bagyo, ito ay magla-landfall sa Isabela o Northern Aurora mamayang gabi o bukas ng umaga.
Ayon pa sa PAGASA, inaasahang lalakas pa sa Severe Tropical Storm ang bagyo bago mag-landfall.
Kaugnay nito, malaking bahagi pa rin ng Luzon ang uulanin ngayong araw dahil sa patuloy na banta ng bagyong Kristine.
Ayon sa PAGASA, napanatili ng bagyo ang lakas nito habang kumikilos pahilagang kanluran sa karagatan ng Quezon.
Huli itong namataan ang sentro ng bagyo sa layong 310km silangan ng Baler, Aurora taglay pa rin ang lakas ng hanging aabot sa 85km/h malapit sa gitna at pagbugsong 105km/h.
Nasa ilalim pa rin ng signal no. 2 ang mga sumusunod na lugar:
𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻
Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, the northern and eastern portions of Quezon (Infanta, General Nakar, Real, Mauban, Perez, Alabat, Quezon, Calauag, Tagkawayan, Guinayangan) including Polillo Islands, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Albay, and the northeastern portion of Sorsogon (Prieto Diaz, City of Sorsogon)
Habang signal no. 1 naman sa:
𝗟𝘂𝘇𝗼𝗻
Batanes, Babuyan Islands, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, Batangas, the rest of Quezon, Occidental Mindoro including Lubang Islands, Oriental Mindoro, Marinduque, Romblon, Calamian Islands, the rest of Sorsogon, and Masbate including Ticao and Burias Islands
𝗩𝗶𝘀𝗮𝘆𝗮𝘀
Aklan, Capiz, Antique including Caluya Islands, Iloilo, Guimaras, the northern portion of Negros Occidental (Pontevedra, La Castellana, Moises Padilla, Bago City, La Carlota City, Valladolid, Pulupandan, Bacolod City, San Enrique, Murcia, Silay City, City of Talisay, Enrique B. Magalona, Manapla, City of Victorias, Cadiz City, Sagay City, City of Escalante, Toboso, Calatrava, Salvador Benedicto, San Carlos City), the northern portion of Negros Oriental (Vallehermoso, Canlaon City, City of Guihulngan), the northern and central portions of Cebu (Alcantara, Argao, Dumanjug, Sibonga, Pinamungahan, Ronda, Liloan, Cebu City, Moalboal, Consolacion, Danao City, Borbon, Carmen, Daanbantayan, Tuburan, City of Bogo, Tabogon, City of Naga, Lapu-Lapu City, City of Carcar, Mandaue City, Catmon, Minglanilla, Toledo City, Cordova, Compostela, San Remigio, Balamban, Aloguinsan, San Fernando, Asturias, Barili, Medellin, Sogod, Tabuelan, City of Talisay) including Bantayan Islands and Camotes Islands, Bohol, the rest of Eastern Samar, the rest of Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte
𝗠𝗶𝗻𝗱𝗮𝗻𝗮𝗼
Dinagat Islands and Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group. | ulat ni Merry Ann Bastasa