Sa 5am weather update ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 395 km silangan ng Calayan, Cagayan taglay ang lakas ng hanging aabot sa 165 km/h at pagbugsong hanggang 205 km/h.
Inilagay na sa Signal no. 3 ang Batanes at eastern portion ng Babuyan Islands.
Signal no. 2 naman sa:
Nalalabing bahagi ng Babuyan Islands, Cagayan, northern at eastern portions ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Naguilian, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Mallig, Maconacon, Burgos, City of Cauayan, San Guillermo, Angadanan, Cabatuan, Luna, Reina Mercedes, Roxas, Aurora, San Manuel), Apayao, Kalinga, the northern and eastern portions of Abra (Tineg, Lacub, Malibcong, Lagayan, San Juan, Lagangilang, Licuan-Baay, Daguioman), eastern portion ng Mountain Province (Paracelis), at Ilocos Norte.
Habang Signal no. 1 naman sa nalalabing bahagi ng Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, nalalabing bahagi ng Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Nueva Ecija, Aurora, northeastern portion ng Tarlac (Camiling, San Clemente, Paniqui, Moncada, Anao, San Manuel, Pura, Ramos, Victoria, Gerona, Santa Ignacia, City of Tarlac, La Paz), northern portion ng Bulacan (Doña Remedios Trinidad, San Miguel), northern portion ng Quezon (Infanta, General Nakar) including Polillo Islands, Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Lagonoy, Garchitorena, Caramoan), at northern at eastern portions ng Catanduanes (Pandan, Gigmoto, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Baras, Caramoran).
Nakataas na rin ang babala ng storm surge na posibleng umabot sa 2.0 hanggang 3.0 metrong taas sa low-lying coastal localities sa Batanes at Cagayan kabilang ang Babuyan Islands.
May gale warning din sa seaboard ng Northern Luzon at eastern seaboards ng Central at Southern Luzon.
Inaasahan pa ring patuloy na kikilos pa-hilagang-kanluran ang bagyo at magiging pinakamalapit sa Batanes mula bukas ng madaling araw hanggang tanghali. Hindi rin inaalis ang posibilidad ng pag-landfall sa Batanes.
Ayon pa sa PAGASA, posibleng nasa o malapit sa super typhoon intensity na ang bagyong Leon sa oras na pinakamalapit ito sa Batanes.
Lalabas sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo bukas ng gabi o madaling araw ng Biyernes, November 1. | ulat ni Merry Ann Bastasa