Idineklarang special economic zone ang isang bahagi ng isang baranggay sa Tarlac City.
Ito’y sa bisa na din sa inilabas na Proclamation No. 701na lumilikha at nagtatakda ng isang bahagi ng lupa sa Barangay Lourdes sa lungsod ng Tarlac bilang special economic zone.
Ang bagong special economic zone ay may kabuuang sukat na dalawang milyong metro kuwadrado, at tatawaging TARI Estate.
Ang proclamation ay inilabas alinsunod sa Republic Act Blg. 7916 o ang “Special Economic Zone Act of 1995.
Ang hakbang ay ginawa matapos ang rekomendasyon ng Board of Directors ng Philippine Economic Zone Authority o PEZA. | ulat ni Alvin Baltazar