Pinaaalalahanan ang mga motorista na dadaan sa lungsod ng Maynila na maghanda para sa pagsasara ng kalsada sa kahabaan ng Roxas Boulevard ngayong araw, Oktubre 12, 2024, bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-46 anibersaryo ng Jesus Is Lord Church.
Ang nasabing pansamantalang pagsasara ng kalsada ay magaganap sa parehong direksyon, mula Kalaw Street hanggang Katigbak Street, mula 1:00 ng hapon hanggang 12:00 ng hatinggabi.
Inaasahan na maraming tao ang dadalo sa nasabing selebrasyon, kaya’t pinapayuhan ang lahat na magplano ng kanilang biyahe upang maiwasan ang abala gayundin ang pagdaan sa mga alternatibong ruta upang maiwasan ang mabigat na trapiko sa lugar. | ulat ni EJ Lazaro