Tiniyak ng Bureau of Treasury (BTr) na walang dapat ikabahala sa pagtaas ng utang ng bansa dahil nananatili itong manageable.
Ginawa ng Bureau of Treasury ang pahayag kasunod ng pagpalo ng outstanding debt ng Pilipinas sa P15.80 trillion nitong September 2024.
Mas mataas ito ng 11.4 percent kumpara sa P14.27 trillion noong parehas na buwan nang 2023.
Paliwanag ng BTr, majority sa ginawang pag utang ay sa loob ng bansa, halimbawa na dito ang local fundraising na nagbibigay daan sa local bond market na bigyang pagkakataon ang mga Pilipino na makapag invest, paraan para tumaas ang kanilang ipon.
Ang maingat na pamamahala sa utang ng gobyerno na sinusuportahan ng local funding ay nag-aambag sa malakas na posisyon sa pananalapi ng bansa, at patuloy na katatagan sa gitna ng mga pandaigdigang hamon.
Ang total domestic debt ay nasa P10.94 trillion habang ang external obligations naman ay nasa P4.96 trillion. | ulat ni Melany Valdoz Reyes